Kapwa nagwagi ang mga pambato ng bansa ng men’s and women’s skateboarding sa Asian Skateboarding Championships 2020 online skate.

Margielyn Didal
Margielyn Didal

Pinangunahan ni Asian Games gold medalist Margielyn Didal ang panalo sa womens’ division kung saan tinalo nito ang pambato ng Japan na si Yurin Fuji at Orapan Arwen Tongkong ng Thailand.

Habang sa men’s division ay nagwagi ang kapwa Cebuano na si Motic Panugalinog.

Tinalo nito ang pambato ng Indonesia na si Basral Graito at Firas Ahmed Al-Hinai ng Oman.

Motic Panugalinog
Motic Panugalinog

Sa nasabing kompetisyon ay nagsagawa ng mga tricks ang manlalaro sa kani-kanilang mga bahay kung saan ito ay hahatulan ng mga hurado online na nasa Singapore at Shanghai.

Kapwa nagbulsa ng tig-$250 ang dalawa at trophy sa kompetisyon na nagsimula noong buwan ng Mayo.

Halos 162 video entries ang sumailalim sa deliberasyon na nanggaling sa iba’t ibang dako ng buong mundo.