Tekken 7
Tekken 7/ Sibol FB image

Nakakuha lamang ng silver at bronze medals ang pambato ng bansa sa ESport na Tekken 7 na ginanap sa San Juan Arena.

Hindi nakaporma si Alexandre “AK” Laverez sa nakalaban nitong si Nopparut “Book” Hempamorn ng Thailand.

Unang natalo ang kapwa Pinoy player na si Andreij Albar kay Laverez sa lower bracket finals kaya nakuha nito ang bronze medals.

Sa kabuuan ay mayroong tatlog gold medals, isang silver at isang bronze ang nakuha ng bansa sa 30th South East Asian Games.