Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Kinumpirma ngayon ng Philippine National Police (PNP) na mayroon nang persons of interest sa likod ng pamamaslang sa negosyanteng pinira-piraso ang katawan at itinapon sa Libmanan, Camarines Sur.

Sa panayam kay P/Lt. Neil Brijuega, hepe ng Pasacao PNP, sinabi nitong nagkaroon na sila ng joint investigation ng Libmanan PNP, para mabilis na matugunan ang naturang kaso.

Ayon kay Brijuega, ang tumayong lider pa lamang ang natutukoy nila ngunit tumanggi muna itong isapubliko ang pagkakakilanlan ng naturang indibidwal.

Layunin aniya nitong hindi maapektuhan ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan at para na rin sa seguridad ng naturang person of interest.

Una rito, nagtungo sa Pasacao ang biktimang si Zocimo Arciaga para sana kunin an biniling mga kambing sa tulong ng isang Crispin Bon ngunit may

Tumawag umano rito hanggang sa natagpuan na lamang ang pinira-pirasong katawan ng biktimang sa dalawang barangay sa Libmanan habang nakasilid sa sako.