-- Advertisements --

Sinimulan na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng social pension sa mga senior citizens na beneficiaries ng kanilang programa .

Ang mga kwalipikadong senior citizens ay nakatatanggap ng P1,000 na buwanang allowances .

Nanguna sa naturang pamamahagi ng social pension si DSWD Secretary Rex Gatchalian and First Lady Louise Araneta-Marcos.

Aabot sa 250 beneficiaries mula Quezon City na nabigyan na ng naturang halaga bilang bahagi ng ceremonial kick-off na ginanap sa DSWD Central Office.

Ayon kay Gatchalian, ngayong Pebrero ay sisimulan na ng kanilang ahensya ang implementasyon ng Republic Act 11916 o ang batas na nagpapataas ng social pension ng mga mahihirap nating senior citizen.

Matapos nga na maging batas ang RA 11916, tumaas ang monthly pension ng mga senior citizen mula P500 na ngayong isang libong piso na .

Binigyang diin naman ni Araneta-Marcos ang mahalagang role ng mga social workers na inilarawan nito bilang puso at kaluluwa ng DSWD.

Siniguro rin ng 1st lady na ang mga allowance ng mga senior citizen ay nasa tamang pangangalaga ng DSWD.
Top