BAGUIO CITY – Natagpuan ang isang fetus sa parking area ng pinakamalaking mall sa Baguio City.

Ayon sa report ng kapulisan, nakita ito ni Joshua Eclara Obejo, trabahador sa nasabing mall, sa sewer filtration area ng nasabing mall.

Sinabi ni Obeja na nakita niya ang palutang-lutang na fetus sa iron screen ng sewer filtration area ng mall.

Dahil dito, agad niyang inireport sa maga otoridad ang fetus.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, isang lalaki ang fetus at nasa isang buwan pa lamang ito.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon na isinasagaw ng mga otoridad para makilala na ang suspek sa nasbing insidente.