Hinimok ng election lawyer na si Atty. George Garcia ang mga bagong halal na kongresista at senador na maguhin na ang mga lumang batas ukol sa halalan.

Ayon kay Garcia, ang mga sablay sa eleksyon ay hindi pwedeng isisi na lamang sa Comelec.

Paliwanag nito, ang komisyon ay limitado ang magagawa sa pagsasa-ayos ng halalan dahil lumang-luma na ang mga batas na kanilang pwedeng ipatupad.

“Please amend our jurassic integrated election law,” wika ni Garcia.

Panawagan nito, huwag na sanang umabot sa 2022 presidential elections ang mga aberya dahil krusyal ito para sa kapalaran ng buong bansa.

“We cannot afford to fail in the 2022 elections. That’s presidential and that’s very crucial,” dagdag pa ni Garcia.