Kinumpirma ng Palestine Liberation Organization (PLO) na makikipagkita si Palestinian Mahmoud Abbas kay US Secretary of state Antony Blinken bukas, Oktubre 13.
Si Abbas ay ang pangulo ng Palestinian Authority sa West Bank na nawalan ng kontrol sa Gaza matapos maagaw ng karibal nitong Hamas noong 2007.
Ayon kay PLO Executive Committee Secretary General Hussein al-Sheikh, susundan ang naturang pagpupulong ng pag-uusap naman sa pagitan nina Abbas at King Abdullah II ng Jordan sa Amman.
Ayon sa opisyal ang pakikipagpulong ng Palestinian official sa Hari ng Jordan ay bahagi ng pagsisikap para pigilan ang giyera sa Israel.
Ngayong hapon ng araw ng Huwebes, dumating na sa Israel si Blinken. Susubukan ng US official na tumulong na ma-secure ang pagpapalaya sa mga bihag na dinukot ng militanteng Hamas kasama ang ilang mga Amerikano. Gayundin tutulong din ito makapag-secure ng ligtas na daraanan ng mga sibilyan na nasa Gaza palabas ng Palestinian enclave bago ang posibleng invasion ng Israel sa ground sa gaza na sinasabing kuta ng Hamas.
Nitong Miyerkules, bago umalis patungong Israel su Blinken, sinabi nitong makikipagkita siya kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu habang nagpapatuloy ang pagtalakay para sa humanitarian corridor para payagan ang mga sibilyang naiipit sa giyera na lisanin ang Gaza sa pamamagitan ng pagtawid sa Egypt