Hinikayat ng Malacañang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gamitin na lamang ang natitirang P10 billion pondo sa ilalim ng COVID-19 emergency cash assistance program para tulungan ang mga mahihirap na kababayan at vulnerable na sektor.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naibigay na ito ng Kongreso kaya ipamahagi na lamang ito sa mga pamilyang hindi pa nakatatanggap ng ikalawang tranche ng ayuda.

Maging ang ilang senador ay nagsabi na ring ibigay ang natitirang pondo sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Sec. Roque ang pahayag matapos sabihin ng DSWD na plano nitong gamiting ang P10 billion sa ibang programa gaya ng livelihood assistance para sa mahigit 600,000 households.

“Dahil ‘yan po ay naibigay na ng Kongreso, kung pupuwede nga po ay ibigay pa po ‘yan doon sa mga pamilya na hindi pa nakakatanggap ng second tranche,” ani Sec. Roque.