-- Advertisements --

Pinuri ng MalacaƱang ang pagbibigay ng royal pardon ng Bahrain sa 16 na Filipinos na nakatakdang bumalik na rin sa bansa.

Ayon sa Palasyo na ang pagbibigay ng royal pardon ni King Hamad Bin Isa Al Khalifa sa 16 na mga Pinoy ay nagpapatunay ng malalim na relasyon ng dalawang bansa.

Dalawa sa nabigyan ng pardon ay itinaon noong Eid’l Fitr subalit hindi na rin nagbigay ng ibang detalye pa ang Palasyo.

Magugunitang noong 2017 ng bumisita sa Bahrain si Pangulong Duterte sa Bahrain at ilang mga kasunduan ang kanilang napirmahan.