-- Advertisements --

Tinatantiya ngayon ng Malacañang kung dapat pa bang ituloy ang pagpapatawag ng special session sa Kongreso para sa Bayanihan Act 2.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tama lang na timbangin kung kailangan pang magkaroon ng special session lalo malapit na namang magbukas ang regular session.

Ayon kay Sec. Roque, ang mahalaga ay nagkakasundo ang Ehekutibo at Kongreso para sa isinusulong na Bayanihan Act 2.

Nasa P140 billion ang nakapaloob na proposed standby budget para sa naturang panukala para magamit sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Magugunitang inihayag ni Senate President Tito Sotto III na wala ng epekto pa ang pagpapatawag ng special session na dapat sana ay ginawa noon pang isang buwan o sa nakalipas na dalawang linggo.