davao sur quake padada

Hiniikayat ng MalacaƱang ang mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol na maging kalmado.

Sinabi ni presidential spokersperson Salvador Panelo, ginagawa ng lahat ng mga concerned agencies sa pagtulong sa mga biktima ng lindol.

Nanawagan din ito sa mga mamamayan na huwag magpakalat ng mga fake news para hindi na ito magdulot ng anumang pangamba sa karamihan.

Samantala ligtas naman ang Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Davao noong kasagsagan ng lindol.

Kasama nito ang partner nito na si Honeyleth Avancena at anak na si Kitty.