Mahigipit na binabantayan ng MalacaƱang ang kalagayan ng Taal Volcano.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaukulang ahensiya para matiyak ang kaligtasan ng mga tao na maapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

Tuloy-tuloy aniya ang pagbibigay ng updates ng mga ahensiya ganun ang pakikipag-ugnayan sa provincial government ng Batangas para mabantayan ang kalagayan ng mga mamamayan sa lugar.

Patuloy din ang panawagan ni Palasyo na maging mapagmatyag sa anumang posibleng maidulot ng nasabing aktibidad ng bulkan.