Tahasang kinontra ng MalacaƱang ang pahayag ng mga kritiko na bigo si Pangulong Rodrigo Dutertesa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) para mailatag ang roadmap kung paano makaka-rekober ang bansa mula sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, baka bingi ang mga kritiko at hindi nila narinig ang mga panukalang hakbang na binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA kahapon.
Ayon kay Sec. Roque, inaasahan na rin nila ang nasabing mga komento dahil wala namang nakikitang mabuti ang oposisyon sa pangulo.
Kabilang umano dito ang panawagan ni Pangulong Duterte sa Kongreso na ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act at Bayanihan to Recover As One Act na magbibigay ng stimulus package para maibsan ang epekto ng COVID-19 crisis.