Reading Time: 1 minute

Apat na panukalang batas ang isinasama ngayon sa legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa huling tatlong taon nito sa puwesto, ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez.

Napagkasunduan ng mga lider ng Kongreso at Cabinet officials sa Legislative-Executive Coordinating Council (LECC) ayon kay Romualdez na aprubahan kaagad ang mga sumusunod na panukala:

  • Salary Standardization Law (SSL) 5 para sa mga civilian state workers
  • Pagtatag ng Department of Overseas Filipino Workers (OFWs)
  • Postponement ngMay 2020 barangay atSangguniang Kabataan polls, at
  • Free legal assistance sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines

Sinabi ni Romualdez bagama’t nagkasundo na ang executive at legislative branches na gawing prayoridad ang mga panukalang batas na ito, sa Malacanang pa rin manggagalin ang pinal na listahan.

“Under the leadership of Speaker Alan Peter Cayetano, we are committed to expeditiously act on these measures. We will continue to work in harmony with the Senate and Cabinet members to pursue and realize President Duterte’s desire of ensuring a comfortable life for Filipinos,” sambit nito.

Ayon kay Romualdez, target ng Kamara na aprubahan ang mga panukalang ito bago ang break ng Kongreso sa Disyembre.

“The SSL 5 shows the President’s sincere ‘malasakit’ for the plight of our civilian state workers. We will work very hard to ensure funding for their salary increase,” ani Romualdez.

Patuloy naman aniyang nakikipag-ugnayan ang liderato ng Kamara sa Palasyo ng Malacanang at sa Senado para walang panukalang batas sa 18th Congress na ma-veto si Pangulong Duterte.