-- Advertisements --

Naglabas ng panibagong advisory ang Philippine Airlines (PAL) para sa mga taong nagbabalak magtungo sa ibang bansa kasabay ng unti-unting pagluluwag ng travel restrictions sa bansa.

Limang araw bago ang nakatakdang pag-alis, bawat ay dapat munang tapusin ang Passenger Profile and Health Declaration (PPHD) form na makkita online.

Bukas ang registration sa online portal simula ngayong araw para sa mga may flight ng November 12, 2020.

Hindi naman sakop ng PPHD form ang mga tao na magtutungo sa Estados Unidos, Canada at Australia dahil paper form ang kanilang sasagutan bago payagan ang mga ito na makapag-check in sa airport.

Ang mga pasahero naman na magpupunta sa Singapore ay kailngang tapusin ang kanilang PPHD paper form sa airport. Bukod pa ito sa online registration,

Ayon naman sa PAL, maaaring mag register ang mga local manning agencies (LMAs) para sa kanilang mga pasahero.

Dagdag pa nito na maaaring i-check ng mga pasahero ang travel at health requirements sa kanilang country of destination bago umalis ng bansa.

Kasama na rito ang pagda-download ng mobile app, online forms, quarantine hotel booking at negative COVID-19 test result.

Simula naman bukas ay papayagan nang kumuha ang mga pasahero ng COVID-19 RT-PCR test sa Philippine Airlines Learning Center (PLC) na matatagpuan sa 540 Padre Faura cor. Adriatico St. Ermita, Manila.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa travel protocols, procedures at requirements, bisitahin lamang ang www.philippineairlines.com o ang official Facebook account ng PAL.

Maaari ring tawagan ang PAL hotline numbers 8855-8888 o 1-800-435-9725.