Hawak ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang Pakistani-Japanese national na wanted dahil umano sa pagpatay nito sa Pakistani apat na taon na ang nakakaraan.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang pugante ay si Muhammad Sattar Yamamoto, 53, na naaresto noong Martes sa kanyang bahay sa Brgy. Muzon, Taytay, Rizal sa pamamagitan ng joint operation ng BI Fugitive Search Unit’s (FSU) na pinangunahan ni Bobby Raquepo at mga operatiba ng Batangas Provincial Police Office.
Una rito, nag-isyu raw si Morente ng mission order laban kay Yamamoto para ito ay arestuhin.
Base na rin daw ito sa hiling ng Pakistani government na nagnanais na ma-deport para harapin ang ang kasong pagpatay kay Arsian Younis.
Ang pagpatay ay naganap daw noong Marso 27, 2016 nang bagbabarilin si Younis ng grupo ni Yamamoto dahil sa away sa negosyo.
Sa ngayon, pansamantalang naka-konstudiya si Yamamoto sa Regional Headquarters ng PNP sa Southern Tagalog habang hinihintay ang kanyang swab test para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-190.
Kapag nag-negatibo ito sa virus ay agad itong dadalhin sa BI Warden Facility sa Taguig City habang inaasikaso ng BI ang deportation sa banyaga.