PBA 1
MAGNOLIA VS ROS/ PBA PHOTO

Nakuha ng Rain or Shine ang 2-0 na kalamangan kontra Magnolia HotShots 93-80 sa kanilang PBA Philippine Cup semifinals.

Nanguna sa panalo si Ed Daquioag na may 19 points habang mayroong 16 points si Norbert Torres.

Mula noong unang quarter ay hawak na ng Painters ang kalamangan at hindi na hinayaang makalamang pa ang Magnolia.

Sinabi ni Rain or Shine coach Caloy Garcia na talagang matindi ang pinakitang laban ng kaniyang koponan.

Naging matindi aniya ang kanilang pag-guardiya sa mga manlalaro ng Magnolia.