Dengvaxia

Kinontra ngayon ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta ang naging pahayag ng pamahalaan na ikunsidera ang naging opinyon ng World Health Organization (WHO) kaugnay sa paggamit ng Dengvaxia vaccine.

Una nang sinabi ng WHO na dapat lamang gamitin ang naturang bakuna sa mga indibidwal na una nang nagkaroon ng Dengue.

Pero ayon kay Acosta, base sa isinagawang otopsiya ng kanilang forensic expert, siyam umano sa mahigit 100 na namatay matapos maturukan ng Dengvaxia ay una nang nagkaroon ng dengue bago maturukan pero namatay pa rin ang mga ito.

Tinig ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta

Muli rin niyang binuweltahan si dating Department of Health DoH) secretary at ngayon ay Rep. Janette Garin sa panukala nitong muling paggamit ng naturang bakuna.