ILOILO CITY- Nagsimula na ngayong araw ang Top Level Management Conference (TLMC) ng Queen City Development Bank (Queenbank) bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-38 taong paghahatid ng serbisyo sa mga Filipino.

Ang conference ay ginaganap sa Dr. Rogelio M. Florete Leadership Center, Queenbank Building, Valeria St., Iloilo City at magtatapos sa Pebrero 8, Sabado.

Ang TLMC ay pinangunahan ng Queenbank’s Chairman Emeritus na si Dr. Rogelio Florete, Queenbank President Ms. Margaret Ruth Florete, Senior Vice President Mr. Enrico Jacomille, at First Vice President Mr. Dante Javellana.

Ang tema ngayong taon ay ng: “Taking Ownnership Through Excellence.”

Layunin ng conference na maipakita pa ang commitment ng Queenbank na lalong mapagtibay pa ang regulasyon, pamamahala at mga practices upang maibigay ang mas pinahusay na financial stability at serbisyo sa mga kliyente.

-- Advertisement --

Noong 2019, lalong pinabuti ng Queenbank ang deposit liabilities nito na produkto ng tiwala ng publiko sa franchise na naitayo sa pamamagitan ng ilang dekadang hindi nabahirang pangalan, matatag na capital position at portfolio base.

Nagpatuloy ito sa pag-unlad at paglawak kung saan umabot sa P175 million ang gross revenue at may kabuuang P2.4 billion na resources ang Queenbank.

Umabot naman sa P1. 625 billion ang deposits at P1.734 billion ang loan portfolio.

Ang Queenbank ay miyembro ng Philippine Deposit Insurance Corporation, Banknet, at ng Florete Group of Companies.