-- Advertisements --
image 298

Naniniwala ngayon ang chairman ng House Committee on Appropriations na malaking tulong sa pagpapataas ng gross domestic product ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa indoor settings.

Ayon kay AKO BICOL Party-list Rep. Elizaldy Co, ito ay magiging daan para sa economic growth at malaki ang economic impact ng 2022 at 2023 national budgets.

Umaasa rin si Co na ang domestic product (GDP) ng bansa ay gaganda pa sa huling dalawang quarters ng 2022 sa calibrated lifting ng coronavirus disease (Covid-19) restrictions at tuloy-tuloy na pagbubukas ng ekonomiya.

Ipinunto pa nito na ang mabilis na pagpapatupadd ng high agency 2023 budget absorptive capacity ay magiging daan din para sa GDP growth.

Napatunayan din umano ng Department of Health (DoH) sa isinagawang mga budget hearings ang tagumpay ng kanilang safety protocols at ang COVID-19 bulletins na nagpapakita ng consistent defense laban sa virus.

Sinabi nitong ang kanyang panel ay isinaalang-alang ang pinaka-importateng 2023 budget requests ng DOH at iba pang ahensiya para ma-sustain ang public health at economic gains na nakuha ng bansa laban sa Covid-19 at economic difficulties.

Una nang sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na aprubado na ng Pangulong Marcos ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa isinagawang cabinet meeting na mag-isyu ng executive order (EO) na nagpapayag na sa boluntaryong pagsusuot ng facemasks sa indoor places.

Sinabi ni Frasco na ang paggamit ng face masks ay required pa rin naman sa public transportation, medical transportation at medical facilities.

Ang mga unvaccinated individuals, mga mayroong comorbidities at senior citizens ay hinihimok pa ring magsuot ng face masks.