Kinumpirma ni PNP chief Oscar Albayalde na ibinalik na ang dalawang police security escort ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Albayalde, normal na proseso lamang ang ginawa sa pagtanggal at pagbalik ng security detail ng senador.

Paliwanag ni Albayalde, kapag nag-expire ang mission order ng mga police security detail sa mga VIPs at elected officials ay otomatiko itong nire-recall.

Aniya, isasailalim ito sa re-validation at re-deliberation kung kailangan pa bang ibalik ang police security escort nito.

Dagdag pa ni Albayalde na sa sandaling matukoy na kailangan pa ay kanila ito agad i-renew.

-- Advertisement --

Martes ng umaga nang kinumpirma ni Trillanes na bumalik na ang kaniyang police escort at muling na re-assign sa kaniya.