CAGAYAN DE ORO CITY – Nagkaisa ang mga obispo ng Simbahang Katoliko para ipagdasal na magampanan at mapag-tagumpayan ni Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples Filipino Cardinal-Bishop Luis Antonio Tagle ang kaniyang bagong tungkulin.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng dating bise presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at kasalukuyang Cagayan de Oro Arcbishop Antonio Ledesma,S.J. na masaya sila na mas lumaki pa ang tiwala na ibinigay ni Pope Francis kay Tagle na kumakatawan rin sa sambayanang Filipino na kalat sa buong mundo.

Inihayag ni Ledesma na nangangailangan ng mahigpit na panalangin ng sambayanang Filipino si Tagle lalo pa’t napuno ng mga pagsubok ang liderato ng Simbahang Katoliko sa kasalukuyang kapanahunan.

Bagamat ipinagmalaki ng mga obispong Katolikong Filipino ang pagiging church cabinet member ni Tagle na pang-32 pa arsobispo ng Manila Archdiocese ng Pilipinas kaya labis angg kanilang kasiyahan.

Si Tagle at Pope Francis ay magkasabay na pinagpilian noon na magiging susunod na santo papa matapos nag-resign si Pope Benedict XVI taong 2013.