Reading Time: 1 minute

Dumarami pa ang mga artista at mga politiko na nagsusulong para makilala bilang national artist ang pumanaw na actor na si Eddie Garcia.

Ilan sa mga ito ay si Senator-elect Lito Lapid at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang nagbigay ng suporta sa pagsusulong para makilala ang actor.

Sinabi ni Lapid na kakausapin niya si Senate President Tito Sotto kung ano ang maaaring gawin nila.

Handang suportahan naman ni Vilma Santos-Recto sa pamamagitan ng pag-co-sponsor ng panukalang batas sa House of Representatives.

Tiniyak din ni Senator-elect Bong Revilla ang pagsusulong ng nasabing pagkilala sa beteranong actor-director.