Inaasahan na magsisimula ang panahon ng tag-ulan sa bansa sa pagtatapos ng Mayo o sa unang bahagi ng Hunyo.
Ayon kay weather specialist Loriedin dela Cruz-Galicia mas magiging madalas na ang mga pag-ulan sa mga darating na araw kasabay ng pag-transition ng bansa sa wet season.
Batay aniya sa kanilang analysis, posible sa mga darating na araw, mas magiging madalas pa ang passing rain showers o mga pag-kidlat, pag-kulog sa hapon at gabi sa mga susunod na araw.
Naobserbahan nga sa mga nakalipas na araw ang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila at ilang probinsya na bahagyang nagbigay ng nagbibigay ng ginhawa sa mga tao sa gitna ng matinding init dala ng El Niño weather phenomenon.
Naranasan din ang hailstorm pag-ulan ng yelo sa Baguio at Quezon city.
Samantala, base din sa analysis ng ahensiya, mayroong 65% hanggang 70% na tiyansa na magkakaroon o magsisimula ang mahina o weak La Niña sa June, July, at August hanggang September at October at inaasahang lalakas ito sa huling kwarter ng 2024.