Boracay 2
Boracay/ FB image

KALIBO, Aklan- Isinusulong ngayon ni Malay Acting Mayor Frolibar Bautista na isapribado ang snorkeling activities sa isla ng Boracay.

Aniya, makakatulong ang pribadong stakeholder sa pamamahala ng snorkeling activities kung saan, maraming safety nets ang kakailanganin para sa operasyon nito.

Masyado umano itong magastos kung sasagutin pa ng lokal na pamahalaan kaya mas mapabuti na lamang kung ipapaubaya ang pamamahala nito sa private stakeholder kung saan, kikita pa rin ang munisipyo sa ibabayad na buwis at permits.

Umaasa naman si Bautista na tatanggapin ito ng private stakeholders dahil sa pagbuhos ng mga turista sa Boracay sa susunod na mga buwan.

Ngunit, sa ngayon aniya ay wala pang interesado sa nasabing alok.