-- Advertisements --

Inilipat na sa Department of Migrant Workers ang pagproseso ng end-of-service benefits ng Overseas Filipino Workers sa Middle east ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) simula noong Pebrero 4, 2024.

Bunsod nito, ang DMW na ang mamamahala ng lahat ng end-of-service benefits applications, claims at remittances para sa ofws sa middle east.

Para sa mga OFW sa Middles east na natapos na ang employment kamakailan o benepisyaryo o kamag-anak ng nasawing ofw, ang bagong aplikasyon para sa ESB ay kailangan ng isumite sa Migrant Workers Office sa Embahada ng PH o Consulate o sa DMW sa Maynila.

Sinabi naman ng DFA na ipagpapatuloy nito ang proseso ng aplikasyon para sa ESB claims o remittances na inihain bago ang Pebrero 4.

Inaabisuhan naman ang mga employer ng mga OFW sa Middle east na idirekta ang anumang bagong ESB remittances para sa mga empeyadong Pilipino sa designated bank ng MWO sa pinakamalapit na Foreign Service Post.