CAUAYAN CITY – Idinaan sa drawlots ang pagpili ng ikawalong kasapi ng Sangguniang Bayan ng Palanan, Isabela matapos na magtabla sa botong 3,058 votes ang mga kandidato na sina sina Jojo Gonzales at Theo Angelo Garcia.

Naging witness sa drawlots si MLGOO Ruby Rose Baccay ng Palanan na nagsabing ang toss coin o draw lots sa nagtie na kandidato ay nakasaad sa Local Govt Code.

Sa naging panayam ni Bombo Radyo Cauayan kay Charles Obania, kapwa sinabi nina Gonzales at Garcia na wala silang magagawa kundi tanggapin ang panuntunan.

Sinabi naman ni Election Officer Emmanuel Aggabao na napagpasyahan nilang idaan sa drawlots ang pagpili kung sino sa dalawang kandidato ang uupong ikawalong sangguniang bayan member.

Ang mapalad na nakabunot ng ikawalong puwesto ay si Theo Garcia.

Ang mga kasama niyang nahalal na SB member ng Palanan, Isabela ay sina Pacita Mona Anastacio, Ronnie Atienza, Earl John Bernardo, Michael John Bernardo, Gloria Cauilan, Criselda dela Penia, at Robert Neri.

Samantala ang nahalal na vice mayor ay si Jimmy Gonzales na nagpapasalamat sa mga nagtiwala at bumoto sa kanya.

Susuklian niya umano ito ng tapat na serbisyo.

Labis ding nagpapasalamat ang nahalal na mayor na si Elizabeth Bernard Ochoa.