-- Advertisements --

Maraming reserbasyon si ACT Teachers Party-List Rep. France Castro kaugnay sa pagpili ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy kay dating Pang. Rodrigo Duterte bilang caretaker nito sa kaniyang assets.

Ayon sa mambabatas, ang pagpili ni quiboloy kay Duterte bilang adminsitrator ng kaniyang mga ari-arian ay nagdulot umano ng mga pagdududa sa koneksiyon ng 2.

Kaduda-duda din aniya na pinagkatiwalaan umano si duterte kayat dapat aniyang bantayan ang posibilidad na maituloy ito.

Sinabi din ng mambabatas na ilang bilyong confidential funds at intelligence funds ang dumaan umano sa dating pangulo subalit walang maayos na accounting pagkatapos ay hahawakan aniya nito ang assets ni Quiboloy.

Hindi din aniya inilalabas ng dating pangulo ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Network (SALN).

Kaugnay nito, hinimok nito ang office of the Ombudsman na ilabas ang lahat ng SALN ni dating Pang. duterte mula 2016 hanggang 2022.