ILOILO CITY – Patuloy pa umano ang ginagawang pagpili ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa kanilang ilalaban bilang susunod na House speaker sa 18th congress.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay 3rd district board member at ngayon Congressman-elect Lorenz Defensor, sinabi nito na kabilang sa pinagpipilian ng kanilang partido na magiging lider ng Kamara ay sina dating House Speaker at re-elected Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Dueñas Gonzales Jr.

Ayon kay Defensor, dadaan pa sa masusing proseso bago makapili ang kanilang partido ng magiging kinatawan ng PDP-Laban sa House speakership.

Kabilang din sa mga matutunog na pangalan bilang susunod na speaker ng House of Representatives ay sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Leyte Rep. Martin Romualdez, Antique Rep. Loren Legarda at Davao City Rep. Paolo Duterte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here