Iniimbestigahan na ngayon ng Muntilupa police ang sanhi ng pagpatay sa 22-anyos na babae na isinilid sa sako at saka itinago sa isang bodega sa Barangay Cupang, Muntinlupa, Sabado ng umaga.

Ang bangkay ng babae ay may sugat sa ulo at mga laslas sa tiyan at kamay, halos matanggal na ang daliri ng biktima.

Nakilala ang biktima na si Sheva Adare Mae Prementil, assistant supervisor sa isang supermarket sa Alabang at tubong Bukidnon.

Natukoy naman ang suspek sa pagpatay ay ang kapitbahay nitong si Alexander Morpuz, 23-anyos.

Nadiskubre ng tiyuhin ni Prementil at ama ni Corpuz ang bangkay sa bodega matapos mapansin ng room mate ng biktima na duguan ang kaniyang kama.

Naglunsad na ng manhunt operations ang Muntinlupa PNP laban kay Morpuz.

Isa sa mga anggulo na tinitignan ng PNP ay posibleng crime of passion ang dahilan sa pagpatay kay Prementil.

Nabatid na dating nililigawan ng suspek ang biktima.