CEBU – Pinaalalahanan ng Police Regional Office (PRO)-7 ang mga pulis ng Central Visayas na huwag papasok sa anumang investment scam.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PRO-7 Regional Director Police Brigadier General Debold Sinas, kinumpirma nito na nakapasok na sa Cebu ang investment scam na KAPA-Community Ministry International, Inc., na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario.

Voice of Pol. Brig. Gen. Debold Sinas

Ayon kay Police Brigadier General Sinas, target din ng nasabing investment scam ang mga pulis at iba pang mga propesyonal upang makuha nila ang tiwala ng ibang sektor.

Siniguro naman ng police director na mahigpit nilang binabantayan ang KAPA.

Gayunman, nilinaw ni Sinas na wala pang pulis sa Central Visayas na nakapag-invest sa KAPA.