-- Advertisements --

Isususpendi muna ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme buksd November 27.

Ito ang abiso ng MMDA dahil na rin sa paglipat ng Bonifacio Day sa November 27, mula sa orihinal nitong November 30. alinsunod sa Proclamation No. 90.

Kasunod nito, nagpaalala rin ang MMDA sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho at palagiang sumunod sa mga batas-trapiko.

Samantala, itutuloy pa rin ang pagpapatupad ng ‘window hours’ sa number coding scheme.