maguindanao massacre

Kinumpirma ngayon ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nakumpleto na rin ang paglilitis ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) sa Maguindanao massacre.

Sinabi ni Guevarra na noong July 17, 2019 nang matapos ang paglilitis at binigyan ang magkabilang partido nang hanggang Agosto 15 ng kanilang respective memorandum o written summation.

Pagkatapos nito ay maikokonsidera nang submitted for decision ang kaso magsumite man o hindi ng memoranda ang mga partido.

Umaasa naman ang Department of Justice (DoJ) na ilalabas ang desisyon bago ang ika-10 anibersaryo ng masaker sa November 23, 2019 at maibigay na ang hustisya sa mga biktima.

Sa naturang massacre 58 ang namatay kabilang na ang 32 mamamahayag.