Pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc ang paglaganap ng smuggled na mga gulay sa mga palengke sa bansa.
Sa kanilang inihaing House Resolution No. 2263, hinimok ng Makabayan bloc ang House committee on agriculture and food na magsagawa ng imbestigasyon sa issue na ito.
Ito ay matapos na mapabalita na sa mga binabaha na ang mga pangunahing palengke ng smuggled na carrots mula pa noong Agosto ng kasalukuyang taon.
May impormasyon ding nakuha ang Makabayan bloc kung saan iniimbak daw ng maliit na warehouse malapit sa Divisoria ang mga inangkat na gulay at inilalabas lamang ang mga ito sa oras na tumaas naman ang presyo ng mga gulay galing sa Benguet.
Kung dati ay 100 sako ng carrots kada araw ang nadi-dispose ng mga nagbebenta ng gulay, ngayon bumaba na ito sa 30 sako na lamang.
Nauna nang nagbabala ang Department of Agriculure sa publiko hinggil sa pagbili ng mga smuggled na gulay dahil sa pesticide residue na mayroon ito.