DOH 12
-- Advertisements --

Sinimulan nang imbestigahan ng Department of Health – Calabarzon ang mga natuklasang nabubulok nang mga bangkay sa sang bahagi ng Quezon Medical Center sa lungsod ng Lucena.

Sa isang panayam, kinumpirma ni DOH-Calabarzon director Eduardo Janairo na mayroon ngang mga nakatenggang bangkay sa naturang ospital.

Sa ngayon, ang gusto aniya ng karamihan sa mga kaanak ng namatay sa COVID-19 virus ay ma-cremate ang bangkay ng mga ito.

Pero dahil kulang ang crematorium sa lalawigan ng Quezon sa kasalukuyan, maari namang i-seal pansamantala sa mga body bag ang mga bangkay o sa ataol saka ilibing kalaunan.

Samantala, ayon kay Dr. Rolando Padre, ang namamahala sa Quezon Medical Center, ang DILG at mga local government units ang responsable sa mga bangkay.

-- Advertisement --