Reading Time: 1 minute
amazon rainforest 2

Pinabulaanan ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang mga naglabasang datos kung saan makikita ang mabilis na pagtaas ng wildfire cases sa Brazil.

Itinuturo ng libo-libong aktibista at environmentalists sa mga polisiya na ipinatupad ni Bolsonaro ang umano’y dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin na nasusunog ang Amazon Rainforest.

Batay sa National Oceanic and Atmospheric Administration, ikinagulat umano nila ang balitang pagkasunog ng malaking bahagi ng naturang gubat dahil “fire-resistant” umano ito.

Ayon naman kay Bolsonaro, walang sapat na ebidensya ang mga non-government organizations (NGO) upang mapatunayan kung ano ang naging sanhi ng malawakang pagkasunog ng nasabing gubat.

Nakapagtala naman ang National Institute for Space Research (INPE) ng halos 74,000 wildfires ngayong taon kung saan ito ay mas mataas ng 84% noong 2018.

Ang Amazon Rainforest ay kilala bilang “lungs of the Earth” dahil 20% ng oxygen sa mundo ay dito nagmumula. Itinuturing din na matinding pananggala ang Amazon laban sa global warming dahil sa kakayahan nito na i-absorb ang carbon dioxide sa buong mundo.

Brazil ang may pinaka-malaking share sa 670 million hectares (60%) ng naturang gubat. Naging tahanan na rin ito ng maraming uri ng mga hayop at halamang gubat.