Nanawagan ngayon ang Department of Justice (DoJ) sa lahat ng enforcement agencies na habulin ang mga taong may kinalaman sa pananambang sa isang provincial prosecutor ng Calapan City sa Oriental Mindoro.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinambangan sa Brgy. Bayanan 1, Calapan City, Oriental Mindoro ang biktimang si Provincial Prosecutor Josephine Caranzo Olivar.

Kaagad namang naisugod sa pagamutan si Olivar na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at tatlo sa katawan.

Humingi naman ng panalangin sa publiko ang DoJ para kay Prosecutor Olivar at ng kanyang pamilya na malagpasan nila ang kinakaharap na krisis.

Dakong alas-9:30 ng umaga nang tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek ang prosecutor.