Reading Time: 1 minute

TUGUEGARAO CITY – Nais lamang umanong patahimikin ng gobyerno ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) kaya idinadawit ito sa umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Ephraim Cortez ng NUPL, walang katotohanan at basehan ang akusasyon ng Pangulo sa kanilang grupo.

Maaari aniya na ang mga malalaking kaso na kanilang hinahawakan katulad ng mga sangkot sa illegal na droga, ang pagkwestyon sa Marcos burial at marami pang iba ang dahilan kung bakit galit sa kanila ang Pangulo.

Sa kabila nito, sinabi ni Cortez na hindi titigil ang kanilang grupo sa pagpapatupad ng kanilang adbokasiya sa halip ay mas lalo pa umano nila itong papaigtingin.