NAGA CITY – Labis ang pasasalamat ng pamilya ni Senator Leila de Lima matapos makapasa sa 2018 bar examination ang anak nitong si Vincent Joshua de Lima.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa pinsan ni De Lima na si Kagawad Elma Gaspi mula sa Iriga City, sinabi nitong masaya silang makita na naabot ni Vincent ang kanyang pangarap sa kabila ng matinding pinagdaanan ng kanilang pamilya.

Ayon kay Gaspi, communication course ang unang kinuhang kurso ni Vincent dahil pangarap ng lola nito na maging isang journalist ang apo.

Ngunit dahil na rin sa propesyon ng kanyang mga magulang kaya nagka-interest na rin ito sa pagigin abogado.

Sa ngayon, ayon kay Gaspi, kahit ilang taon na aniyang nasa loob ng kulungan ang senador, maganda parin ang relasyon ng kanilang pamilya habang sunod-sunod ang mga biyayang bigay aniya ng Diyos.