-- Advertisements --

CEBU CITY – Sumang-ayon ang Task Force COVID-19 sa hakbang ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na hihigpitan pa rin ang lockdown measures sa lungsod kung sakaling i-downgrade ang quarantine status nito sa modified general community quarantine (MGCQ).

Una nang sinabi ni Labella na handa nang isailalim ang lungsod sa MGCQ ngunit kailangan pa ring ipatupad ang paggamit ng quarantine passes at hindi muna pahihintulutan ang ilang leisure activities.

Ayon sa deputy chief implementer ng COVID-19 Task Force na si Melquiades Feliciano na kakayanin ng local government unit na ikontrol ang sitwasyon lalo na at unti-unting bumaba ang active cases nito.

Sinabi din nito na kailangang doblehin pa ang pagpursigi ng LGU kung ibababa ang quarantine classification ng Cebu City upang hindi na kumalat pa ulit ang coronavirus sa mga komunidad.

Mainam aniya na isailalim ang lungsod sa MGCQ dahil ikinonsidera nito ang kabuhayan ng ilang mga Cebuano matapos ang naranasang krisis.