Justin Bieber
Justin Bieber / Twitter Photo

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang ginawang paghamon ni Justin Bieber kay Tom Cruise na sila ay maglaban.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi nito na nais niyang makaharap ang beteranong actor sa octagon.

Nanawagan pa ito kay UFC President Dana White na kung maaari ay ayusin ang nasabing laban.

Hindi naman binaggit ng singer ang kadahilanan ng paghamon nito kay Tom Cruise.

Sinabi naman ng rapper na si Dr. Dre na maaaring kakapanood lamang ni Bieber ang pelikula noon ni Cruise na “Top Gun” at iniiisip nitong baka 26-anyos lamang ang actor.

Pinatulan naman ni ito ni MMA fighter Conor McGregor at sinabing dapat tanggapin ni Cruise ang hamon kung tunay itong lalaki.