-- Advertisements --

Kasalukuyang ginagawa na ang mga preparasyon para sa nalalapit na trade mission na ipapadala ni US President Joe Biden dito sa Pilipinas mula Marso 11 hanggang 12 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay US Ambassador to the PH MaryKay Carlson, lumipad siya patungo sa Washington para sa briefing ng mga kinatawan mula sa American private sector kaugnay sa mga oportunidad sa bansa.

Saad ng US envoy ang naturang misyon ay magpapaabanse sa trade and investment ties ng Pilipinas at Us.

Matatandaan na una ng sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang trade mission ang kauna-unahan sa ilang serye ng major commercial events na isasagawa ng dalawang panig ngayong taon.

Papangunahan ni US Commerce Sec. Gina Raimond ang Presidential Trade and Investment Mission na pupunta dito sa PH base sa anunsiyo ni Pres/ Biden.

Ginawa ng Pangulo ng US ang naturang anunsiyo kasunod ng kaniyang naging commitment kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pagbisita sa Washington noong Mayo para sa mas maraming capital-intensive investments sa innovation economy ng bansa, clean energy transition, critical minerals sector at food security.