-- Advertisements --

Sinimula na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paghahanda para sa nalalapit na holidays sa bansa.

Ayon kay MMDA chief Carlo Dimayuga II, magpapatupad sila ng moratorium sa mga road digging projects kabilang ang road reblocking simula sa Nobiyembre 14 hanggang January 2 upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa kasagsagan ng holiday season na shopping season din para sa karamihan ng ating mga kababayan.

Subalit paglilinaw naman ng MMDA official na hindi kabilang dito ang flagship projects.

Pagtitiyak naman ng opisyal na hiwalay nilang itatakda ang schedule sa pagsasagawa ng priority projects para maiwasan ang traffic.

Gayundin, sinabi ni Dimayuga na nakausap na rin ng MMDA ang iba’t ibang pamunuan ng malls hinggil sa adjustment ng kanilang operating hours kung saan itatakda ang pagbubukas ng mga malls sa holidays mula 11 am hanggang 11pm at hindi papayagan ang mall-wide sales activities tuwing weekdays.

Pagdating naman sa deployment ng kanilang mga personnel, sinabi ng MMDA official na nasa humigit kumulang 2,000 hanggang 2,600 traffic enforcers ang ipapakalat sa kasagsagan ng holidays.