Reading Time: 1 minute
KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Tuloy ang paghahanap ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Kabus Padatoon (KAPA) founder Joel Apolinario sa kabila ng inihaing petisyon ng ilang miyembro nito sa Supreme Court (SC).

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, hangga’t walang kautusan ang korte na pumipigil sa kanila ay magpapatuloy ang pagtugis sa itinuturing na pinuno ng isang iligal na aktibidad.

Matatandaang kahapon ay inihirit ng ilang kasapi ng KAPA na payagan ang pagpapatuloy ng operasyon ng kanilang organisasyon, kasabay ng paghingi ng P3 billion damages.

Para sa NBI, huhulihin nila si Apolinario sa oras na makita ito, lalo’t lumalabas sa kanilang record na hindi pa naman ito nakakalabas sa Pilipinas.

Magagamit din daw ng mga otoridad ang mga video na inilalabas ng KAPA founder para masukol ang nagtatagong pastor.