Pinag-aaralan ngayon ng national government ang muling pag-oobliga sa publiko nang pagsusuot ng face shields sa harap na rin ng banta ng COVID-19 Omicron variant, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez.
Sa isang virtual presser, sinabi ni Galvez na tinitingnan nila sa ngayon ang posibilidad ng hakbang na ito gayong si Health Secretary Francisco Duque ay pabor nga rin dito bilang ilan sa mga taga-World Health Organization ay naniniwala na kaya nagkaroon ng magandang resulta sa Pilipinas sa kasagsagan ng banta ng Delta variant ay dahil sa proteksyon na ibinigay ng face shield.
Samantala, irerekonsidera rin aniya ng pamahalaan ang naunang plano na pagsapit ng Disyembre ay ilalagay na ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 1 dahil mayroong “ongoing uncertainties” bunsod ng Omicron variant.
Gayunman sa ngayon ay wala pa naman aniyang napapabalitang tinamaan ng Omicron variant dito sa Pilipinas.