Ipinagbabawal na sa ngayon ang paggamit ng mga single-use plastice sa lahat ng mga opisina ng pamahalaan, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ito ay matapos na aprubahan ng National Solid Waste Management Commssion (NSWMC) ang isang resolusyon na nag-uutos sa DENR na ihanda at ipatupad ang naturang ban.

-- Advertisement --

Sakop ng ban na ito ang national government agencies, local government units (LGUs), at lahat ng mga government-controlled offices.

“The NSWMC resolution is a major step to curb the use of single-use plastic items that pollute our waterways, kill marine life and contribute to our country’s increasing solid waste,” ani DENR Sec. Roy Cimatu.

Dahil sa kautusan na ito, bawal na ang paggamit sa mga government offices ng mga single-use plastics tulad ng cups na mas manipis sa 0.2 millimiter, drinking straws, coffee stirrers, kutsara, tinidor, kutsilyo, “labo” at sando bags na mas mababa sa 15 microns.

Ayon kay Cimatu, bubuo sila ng guidelines para sa implementasyon ng plastic ban, na magiging bahagi ng solid waste avoidance at minimization strategy ng pamahalaan.