Ipinagpatuloy ngayong araw ang pagdinig ng Kamara sa nakabinbing franchise bill sa Kongreso.

Ito na ang ikalimang pagdinig para sa prangkisa ng saradong ABS-CBN Corporation.

Muling kinuwestyon ng mga kongresista ang pagkakaroon ng banyagang nagmamay-ari ng ilang shares sa nasabing kompaniya.

Binigyang diin pa ni Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor na kung sumunod lamang sana sa batas ang mga opisyal ng TV network, wala sanang usapin ngayon na kailangang pagtalunan.

Pero depensa ng abogado ng kompaniya na si Atty. Cynthia del Castillo, ang Philippine Depository Receipt (PDR) na ginagamit ng korporasyon ay financial instrument at hindi shares, na nangangahulugang ang may hawak nito ay walang kapangyarihang makibahagi sa management at pagmamay-ari ng mass media network.