Nilinaw ng Archdiocese of Manila na dipende pa rin sa “local communities” kung itutuloy nila ang pagdaraos ng pisikal na mga misa.
Ginawa ito ni Bishop Broderick Pabillo kasunod nang inilabas nilang pastoral instruction, kung saan nakasaad na magdaraos ng religious activity ang mga simbahan na kanilang sakop pero sa 10 percent na capacity lamang.
Ayon kay Pabillo, apostolic administrator ng Manila archdiocese, na ang konsepto ng “local communities” ay nakabase sa “principle of subsidiarity.”
Ibig sabihin lamang aniya na ang makakapag-desisyon sa ground ay mga local communities.
Kaya sinabi aniya nila sa kanilang pastoral letter na maaring magkaroon ng misa pero dipende sa magiging desisyon ng kanilang mga pari kasama ang mga pastoral leaders ng mga ito.
Nabatid na kabilang sakop ng Archiodecese of Manila ay ang mga lungsod ng Manila, Pasay, Makati, Mandaluyong, at San Juan.
Pero nilinaw naman din ni Pabillo na ang pastoral instruction nila ay hindi pagkontra sa guidelines ng national government na nagbabawal sa mass gatherings sa loob ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal sa harap ng 2-linggo na general community quarantine “bubble.”
Samantala, idinipensa naman din nito ang pastoral letter sa pagsasabi na ang 10 percent capacity sa mga simbahan ay hindi maikukonsidera bilang “mass gathering.”