Nagbigay ang PAGCOR ng P2.5 billion bilang donasyon sa pamahalaan bilang tulong sa pagsawata sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Sa isang statement, sinabi ni PAGCOR chairman Andrea Domingo na ang naturang halaga, na ilalabas sa loob ng dalawang tranches, ay gagamitin sa pagbili ng personal protective equipment ng mga healthcare frontliners, karagdagang operating expenses ng Bureau of Quarantine, at tulong na rin sa tests na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine.
Sinabi ni Domingo na ang donasyon na ito ng PAGCOR ay makakatulong sa pagpapahupa sa problema ng pamahalaan sa pagdating sa healthcare sector tulad ng kakulangan sa supply ng personal protective equipment, gamot, testing kits at iba pa.
Sa kabilang dako, pinuri naman din nito ang mga healthcare workers at iba pang frontliners sa sakripisyo at dedikasyon na kanilang ipinamamalas sa gitna ng kinakaharap na health crisis.