Itinutulak ni Duterte Youth party-list Rep. Ducielle Cardema ang revival ng Anti-Subversion Act.

Layon ng kanyang inihaing House Bill No. 8231 o ang proposed “Anti-CPP-NPA-NDF Act of 2021” na gawing outlaw o bandido ang Communist Party of the Philippines (CPP), ang New People’s Army (NPA), ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP), pati rin ang lahat ng mga organisasyon na sumusuporta sa mga ito.

Ayon kay Cardema, mali ang pagsasawalang bisa sa Anti-Subversion Law noong 1992 sa pamamagitan ng Republic Act No. 7636.

Pinahintulutan kasi ng hakbang na ito na magpatuloy ang mga “terrorist activities” ng CPP at NPA, at ginagamit din ng NDF at iba pang civilian organization bilang fronts sa pagre-recruit, operating, at financing ng kanilang umano’y terrorist activities.

Sa oras na maging bandido na ang CPP-NPA-NDF, sinabi ni Cardema na magkakaroon na ng stability sa pamahalaan, security sa Republika, at mas maayos na hinaharap para sa ilang milyong Pilipino.

“Si Vis Pacem, Para Bellum. If you want peace, prepare for war. If we want peace in this country, we must finally destroy the entire capability of the CPP-NPA-NDF to wage war in all their fronts, against our government and our people,” ani Cardema.

“With this new and improved anti-subversion law, our proposed Anti-CPP-NPA-NDF Act of 2021 will not only destroy their ability to wage war, but will also give them a second chance to join our peace-loving society in this modern era,” dagdag pa nito.